ANG MAIKLING KASAYSAYAN NG ATING LAHI.
Ang unang tanong ay BAKIT KAYA MAGKAKAMAG-ANAK TAYONG LAHAT?
Upan malaman nating lahat ang naging puno't ugat, ganito ang simula...
Ang unang susi ng katotohanan, kailangan balikan natin ang kasaysayan at kabuhayan nina Adan at Eva. Sa madali't sabi, ang mahal nating Panginoong si YAHWEH ang siyang nagbigay daan ng pag-ibig at lumikha ng tao.
In other words, our great great great grandfather ay sina Adan at Eva at diyan nagsimula ang ating Lolo MODESTO DUMON at ang kanyang mahal at butihing asawang si Lola VICENTA DALLORAN na kung saan biniyayaan sila ng apat na anak, walang iba kundi sina FELICIANO, EDUARDO, GREGORIA AT JUSTO.
Ang panganay na si Feliciano ay napangasawa niya si Maria Sagaquinit at biniyayaan sila ng apat na anak walang iba kundi sina Felix, Rosa, Nene at Jose. Ang napangasawa naman ni Eduardo ay si Agapita Gadingan at nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Modesto at Teresa. Si Gregoria na pangatlo ay napangasawa niya si Ireneo Gadingan at nagkaroon din sila ng anim na anak walang iba kundi sina Celso, Merope, Felipa, Lourdes, Condrado at Romulo. Samantalang ang bunsong si Justo ay nakapag asawa ng magandang dilag sa katauhan ni Sancha Gadingan.( na kung inyong mapansin ay tatlong mga magkakapatid na Gadingan ang napangasawa ng magkakapatid na Dumon na sa panahong iyon ay mga guwapo't magagandang lahi sila) biniyayaan din ng sampung anak ang mag-asawang Justo at Sancha eto ay sina Alejandro, Inocencia, Bonifacio, Geroncia, Jesusa, Sonia, Gil at Conchita.
Nagdaan ang mga araw, buwan at taon si Lolo Modesto ay tinawag na ng ating Panginoon sa kanyang sinapupunan at dahil sa pangyayari ang Lola Vicenta ay laging malungkutin at tila pinagtampuhan na ng tadhana hanggang sa dumating ang isang araw na nag karoon ng kasalan sa kanilang kapitbahay at doon niya nakilala ang isang lalaki sa katauhan ni EUSEBIO LAYUGAN na nagpatibok ulit sa kanyang puso at sapagkat likas ding maganda si lola Vicenta at sa kapangyarihan ng Pag-ibig at ito ang Pangalawang asawa niya at nagkaroon sila ng tatlong anak sa katauhan nila Florencio, Maria at Inay. Sa di inaasahang pangyayari ay kinuha ulit ni Lord ang tatay nilang si EUSEBIO. At dahil sa hirap ng buhay naglakas loob si FLORENCIO pumunta sa Maynila kasama si Tita MARIA at naiwan si INAY.sa awa ng Panginoon, nakahanap ng trabaho si FLORENCIO at doon niya nakita si EUGENIA CABATIC na taga Alaminos, Pangasinan at nagkaroon sila ng anim na anak, sina Rodolfo, Clarita, Rosalinda, Erlinda, Evelyn at Gloria. Sa Hirap man o ginhawa, nasa kapalaran ng tao dumaan at dumating ang magandang kapalaran ni Tita MARIA o Maring sapagkar nakapag-asawa siya ng isang mabait, mapagmahal at higit sa lahat guwapong taga Pulong-Bulo, Angeles, Pampanga ito'y sa katauhan ni MONICO TORRES na biniyayaan din ng apat na anak sina ANDRES, RUFINO, ESTRELITA AT MACARIO.
Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana sa buhay ni LOLA VICENTA nauna nilisan ni TIYO MONICO ang mundong ibabaw at pumaroon na sa bahay ng AMA.
Balikan natin ang kasaysayan ni LOLA VICENTA. Siya matalino, mabait, masipag mapagmahalat higit sa lahat marunong mikapagkapwa at dahil hindi kumukupas ang kanyang kagandahan at sadyang ito ang kangyang kapalaran, nakilala niya si FELIX CUNTAPAY na isang balo na siya niyang naging pangatlong kinasama na nagkaron sila ng tatlong anak sina ROSARIO, ISIDRO at ESTEBAN. Ang huling payo at naisip ni LOLA VICENTA na gamitin ang kanyang apelyedo sa pagkadalaga sa anak niya sa ikatlong kinakasama upang ito'y di mawala.
Dito nagwakas ang kasaysayang daang maharlika ng ating lahi at sana patuloy pang lumago at dumami ang LAHI nina MODESTO DUMON AT VICENTA DALLORAN huwag natin itong sirain magkaisa at magmahalan tayo tungo sa kaunlaran ngayon at magpakaylanman.
Let us all group together joining our hands and look forwardand ask Our Dear Lord His Blessing to each and everyone for better standard of living and accomplished our endeavor that will shine and live FOREVER.
MAY THE GOOD LORD BLESS US ALL.
ADENDUM: Any additional info to this matter is/are welcome.